Blade Of Fire | 1st Generation
Share:

Blade Of Fire | 1st Generation

READING AGE 18+

AC LYN Romance

0 read

Pag-ibig o ang sinumpaang pangako sa pamilya? Kaya niya bang kitilin ang buhay ng lalaking mahal niya? Na siya rin lalaki na ang tanging misyon ay patayin siya?.

Ubusan ng lahi, dumaloy ang dugo at tanging ang matibay at pinaka-malakas na angkan ang maaaring matira upang maghari.

Ang angkan ng Hiraya ang nag-hari sa ilang henerasyon na nagdaan. Dumaan ang giyera hanggang sa dumating ang republika sa bansa, napanatili ang kanilang angkan nang lihim sa likod ng mundong tahimik, matiwasay na pamamalakad ng mga bagong lider ng Pilipinas.
Ngunit ng dahil sa pagiging ganid, maski ang kayamanan na ipinamana ng mga Datu ng Pilipinas ang ninanais na makuha ng mga taong nakaupo. Isang masamang organisasyon ang nabuo, na ang tanging layunin ay ang patayin at ubusin ang lahat ng Salinlahi, mga sinaunang tribo at isa na roon ang pinakamalakas.

Isang malagim na pangyayari ang umubos sa angkan. Isang asasinasyon ang naganap, ninakaw lahat-lahat nang pinaka tago-tagong kayamanan at kinitil lahat ng miyembro ng angkan, mula sa mga nakakataas, tagapagmana hanggang sa mga alipin at mga bata ay pinatay na walang awa. Ang layunin nila ay ang burahin ang Hiraya sa nakaraan at hinaharap.

Ngunit isa ang nakaligtas, Isang sangol na dapat ang kapalaran ay maging Binukot.



Upang maiwasan na maibunyag ang kanyang pagkakakilanlan at para sa kanyang kaligtasan ay minabuti ng angkan sa kanilang Tribo na itago siya.



Si Cecilia, lumaki sa buhay na malayo sa kinaugalian ay ang tanging nag-iisang Binukot ng Hiraya at buong Salinlahi. Ang kanyang misyon ay ang mapaghiganti ang kanyang angkan. Na maibalik lahat nang ninakaw sa kanila, na kitilin at ubusin lahat nang may kagagawan sa malagim na trahedya ng nakaraan ngunit isang lalaki ang makakapag-pabago sa lahat.

Unfold

Tags: forbiddenlove-trianglepossessivesexopposites attractarrogantpowerfuldramatragedyenemies to lovers
Latest Updated
Special Chapter 2

“Hindi pwede! Hindi ‘yan totoo!” sigaw ni Cecilia bago nanghihina na napakapit kay Agos. 

“Hindi yan magagawa ni Brix, kilala ko ang pamangkin ko,” wika naman ni Axael. 


“Totoo po iyon, itinulak ni Brix ang Prinsesa para maghiganti, kitang kita ko po ang nangyari” wika pa ni Amber kaya napalapit lalo si Ce……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.